PAMAGAT NG ADBOKASIYA:
INGAY SA KUMPAS NG MGA KAMAY
Julius D. Espiritu
V1A
PAPANIMULA/KALIGIRAN |
Mula noon hanggang sa kasalukuyang panahon, ang mga taong hindi makapagsalita at hindi makadinig ay hindi natin binibigyan ng pansin sapagkat bukod sa kanilang kapansanan ay hindi natin sila maintindihan.Bagamat sila ay may paraan upang makipag-usap na kung tawagin ay sign language, taliwas ito sa ating nakasanayang pakikipag-usap na gumagamit ng tunog at salita. |
MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN |
Nadidinig mo ba ang "Ingay sa Kumpas ng mga Kamay?" Ang wikang hindi gumagamit ng salita at tunog o ang pakikipag-usap na gumagamit lang ng mga kumpas ng mga kamay. Ang ingay na hindi madaling maintindihan ngunit sumisigaw at tinatanaw lang sa kalayuan. Ang mga sumusunod ay tumutukoy lamang sa sign language.Bagama’t walang salita o tinig na nililikha ang kumpas ng mga kamay, ito ay kumukuha ng atensyon at nagbibigay tanong sa ating isipan na, "Ano kaya ang ibig nitong sabihin?" o "Ano kaya ang sinasabi ng kanyang mga kamay?" Hindi man ito nag -iingay sa ating pandinig ngunit panay ang sigaw nito sa ating isipan. |
RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN |
Rasyunal
Nakaranas ka na bang makipag- usap sa mga taong hindi makapagsalita at
hindi makadinig? Ano ang pakiramdam ng hindi sila maintindihan? Ang
pakiramdam na ito ay siya ring nararamdaman nila sa tuwing kakausapin natin
sila o sila ang kakausap sa atin at hindi natin alam kung papaano natin sila
iintindihin o papaano nila tayo iintindihin.
Ngunit kung marunong tayo ng sign
language, magkakaroon ng komunikasyon ang bawat isa. Sa pamamagitan ng
adbokasiyang ito ang mga taong hindi makapagsalita at hindi makadinig ay magkakaroon
ng tinig ang mga kamay sa ating paningin.
Mithiin
Ang magkaroon ng konkretong komunikasyon sa pagitan ng mga taong may kapansanan sa pandinig at pagsasalita sa mga taong walang kapansanan.LayuninUna, ang magkaroon ng kaalaman tungkol sa sign language ang mga taong walang kapansanan. Kinakailangang magkaroon ng kaalaman tungkol sa sign language ang mga taong walang kapansanan upang mas madali nilang maintindihan ang mga taong may kapansanan sa pandinig at pagsasalita na gumagamit nito.Pangalawa, upang magkaroon ng konkretong komunikasyon ang mga taong may kapansanan sa pandinig at pagsasalita sa mga taong walang kapansanan. Ang konkretong komunikasyon ang magbibigay daan upang magkaroon ng pagkakaisa ang dalawang panig. |
DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA |
Batay sa mga unang nabanggit ang adbokasiyang ito ay naglalayong mapag- isa ang mga taong may kapansanan sa pandinig at pagsasalita sa mga taong walang kapansanan sa pamamagitan ng isang wikang walang tinig o salita ngunit malakas ang tunog na tinataglay. Di man natin napapansin pero gumagamit na tayo ng sign language. Peri kung meron tayong sapat na kaalaman hindi lang iilan tao ang magkakaintindihan. |
BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA |
Hindi lang tayo ang makikinabang sa napag-aralang Sign language, bukod sa dagdag ito sa ating kaalaman higit na makikinabang dito ang mga taong may kapansanan sa pandinig at pagsasalita sapagkat nagkaroon sila ng pagkakataong magkaroon ng mga bagong kaibigan at madali na para sa kanila na tayo ay kausapin at gayon din tayo.Kung ang wika ang nagbubuklod sa mga tao, wika rin ang magkakaisa sa mga ito at ang wikang ito ay ang Sign Language. |